Hinaing

Naisipan kong buksan ang aking kaunaunahang email address na ginamit. Huli ko itong binuksan mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Nangiti ako nang makita ko ang isang email na pinadala ko sa aking sariling email address. Ang email ay may petsang ika-7 ng Mayo, 2007. Nakapaloob sa email ang isang tulang sinulat ko noon at pinamagatang “Hinaing”.

 

Mga bulag, kayo sa akin ay tumingin,

Kayong mga bingi, ako ay dinggin;

Ihahayag ko ang mga hinagpis,

Durog na puso ko’y puno ng hapis.

 

Ako’y magsasaka sa kabukiran,

Nakabilad sa araw maghapon ang katawan;

Ani ko’y gutom ninyo’y pinapawi,

Bakit wala akong lupang pag-aari?

 

Ako’y mangingisda sa gitna ng dagat,

Naglalambat ako sa buong magdamag;

Isda kong huli inyong kinakain,

Bakit sardinas hindi ko kayang bilihin?

 

Kayong mga bingi, ako ay dinggin,

Tunay na kalayaan nais kong kamtin;

Kayong mga bulag, sa akin ay tumingin,

Posas ng kahirapan nais kong kalasin.

 

Ako’y manggagawa sa pabrika,

Gawain ko dito’y iba-iba;

Mga bagay ako ang bumubuo,

Bakit laging ‘di sapat ang sahod ko?

 

Ako’y nagtatrabaho bilang tindera,

Maghapong nakatayo, binti’y nananakit;

Kontrata ko matatapos sa isang lingo,

Bakit sa trabaho ‘di ako nakakaseguro?

 

Bigyan ako tunay na kalayaan,

Alisin ang posas ng kahirapan;

Ito ang aking hinagpis,

Puhunan ko’y dugo at pawis.

 

Ako’y isang bata sa lansangan,

Malamig na semento ang aking tulugan;

Pasahero sa jip sapatos pinupunasan,

Anong bukas kaya ang patutunguhan?

 

 

 

 

Ako’y mag-aaral sa paaralan,

Nagsisikap makamtan ang kaalaman;

Mga bayarin patuloy na nagtataasan,

Bakit edukasyon pribelehiyo na, hindi karapatan?

 

Ako’y mga mamamayan nitong ating bayan,

Tamang buwis pilit na binayaran;

Sabi kalahati nito napupunta sa kawatan,

Bakit may mga gahaman sa pamahalaan?

 

Kayong mga bingi, ako ba’y naririnig?

Kayong mga bulag, ako ba’y nakikita?

Kung oo, sumamo ko…

Pakiusap, palayain ako!

Advertisements

Eternity

“College is… where you go if you want to continue studying after high school.” (Another non sense from me. LOL!)

College life is the best part of student life. Unlike what I keep on hearing from others, I enjoyed college life more than my high school days. Jumping from three different schools allowed me to meet different people, with different personalities, and from different walks of life. It also exposed me to different ideas.

But I am not writing this to reminisce about the past. Along with the poem “Minsang nilibot ko ang Pilipinas” which I posted on my previous blog with the same title, I also found some other writings. One of them is a poem that I wrote while we were having a retreat somewhere I totally forgot. All I can remember is the ambience, the setting and the environment inspired to write a religious poem.

image

Eternity

With the sun shining brightly,

Its warmth touches me;

I feel that God is hugging me.

With the tall trees growing around me,

Giving me shade and security;

I feel that God is protecting me.

And the goat eating grass beside me,

Pauses and stares at me

As if to tell me that God is watching over me.

And the birds I see,

Soaring from tree to tree;

They sing that God is with me.

And the white butterflies,

Flying beside me;

Reminds me that God is always beside me.

I felt the serenity,

And I remembered…

The sun will stop shining;

The trees will stop growing;

The goat will stop eating;

The birds will stop singing;

The butterflies will stop flying;

But the Lord will never stop loving!

Rayter kunwari

Huling beses na sumulat ako ng artikulo ay noong college pa ako tungkol sa isang pick up girl na nakita ko sa Luneta. Tanda ko gumawa ako ng tula noong gabing iyon habang naghihintay ng masasakyang bus papuntang Alabang. Pero walang kinalaman dito ang blog na ito.

Sa halos apat na taon na lumipas ay nalimutan ko nang gumawa ng tula o kwento sa kung anu-anong bagay. Naisipan ko lamang gawin ito bilang pampalipas oras at para may iba akong magawa sa cellphone ko maliban sa paglalaro ng Angry Birds at Temple Run o di kaya pagpost sa Facebook at Instagram.

Tama! Wala ako sa harap ng computer habang ginagawa ang block na ito. Salamat sa teknolohiya, ako ay sumusulat (o nagta-type) sa aking cellphone habang nakahiga sa kama.

Wala talaga akong ideya sa isusulat ko. Bahala na kung ano kalabasan nito pagkatapos kong i-upload mula sa cellphone ko.

Basta ito ang una kong blog… Walang laman. Walang direksyon.

Sa susunod kaya, ano ang magandang isulat?