Poem of Admiration

“CARDIAC VOICE”

As I look at you

From a distant place

My heart is pumping

Beating in a place

Yours is the beauty

Even Venus will envy

You’re much prettier

Than goddess Aphrodite

Your eyes twinkle

Like the stars in the zenith

Your fair complexion

As white as the snow

With your long hair

Seems floating in the air

And your pink lips

I dread to have a kiss

As you look at me

From a distant place

My arms are shaking

And my knees trembling

I felt so weak

At the same time flying

I feel so numb

I feel like dying

Oh! Your beauty

Is like a melody

Of a sweet music

Playing for eternity

Like the song and hymn

Of heavenly seraphims

Singing along

With holy cherubims

Oh! Your beauty

I love to behold

Like a clear river

Calmly flowing forever

Like a clear sky

Songbirds that fly

And colorful rainbow

From a distant I admire

You are an angel

A sight of wonder

At your presence

I can’t stare longer

Shyness defeats my confidence

That my pure intentions

I cannot express

Oh! My angel

I wish I could try

To come near you

Or even say “hi”

To let you know

How much I admire

Your incomparable prettiness

Your immeasurable loveliness

That stands out above the rest

Hinaing

Naisipan kong buksan ang aking kaunaunahang email address na ginamit. Huli ko itong binuksan mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Nangiti ako nang makita ko ang isang email na pinadala ko sa aking sariling email address. Ang email ay may petsang ika-7 ng Mayo, 2007. Nakapaloob sa email ang isang tulang sinulat ko noon at pinamagatang “Hinaing”.

 

Mga bulag, kayo sa akin ay tumingin,

Kayong mga bingi, ako ay dinggin;

Ihahayag ko ang mga hinagpis,

Durog na puso ko’y puno ng hapis.

 

Ako’y magsasaka sa kabukiran,

Nakabilad sa araw maghapon ang katawan;

Ani ko’y gutom ninyo’y pinapawi,

Bakit wala akong lupang pag-aari?

 

Ako’y mangingisda sa gitna ng dagat,

Naglalambat ako sa buong magdamag;

Isda kong huli inyong kinakain,

Bakit sardinas hindi ko kayang bilihin?

 

Kayong mga bingi, ako ay dinggin,

Tunay na kalayaan nais kong kamtin;

Kayong mga bulag, sa akin ay tumingin,

Posas ng kahirapan nais kong kalasin.

 

Ako’y manggagawa sa pabrika,

Gawain ko dito’y iba-iba;

Mga bagay ako ang bumubuo,

Bakit laging ‘di sapat ang sahod ko?

 

Ako’y nagtatrabaho bilang tindera,

Maghapong nakatayo, binti’y nananakit;

Kontrata ko matatapos sa isang lingo,

Bakit sa trabaho ‘di ako nakakaseguro?

 

Bigyan ako tunay na kalayaan,

Alisin ang posas ng kahirapan;

Ito ang aking hinagpis,

Puhunan ko’y dugo at pawis.

 

Ako’y isang bata sa lansangan,

Malamig na semento ang aking tulugan;

Pasahero sa jip sapatos pinupunasan,

Anong bukas kaya ang patutunguhan?

 

 

 

 

Ako’y mag-aaral sa paaralan,

Nagsisikap makamtan ang kaalaman;

Mga bayarin patuloy na nagtataasan,

Bakit edukasyon pribelehiyo na, hindi karapatan?

 

Ako’y mga mamamayan nitong ating bayan,

Tamang buwis pilit na binayaran;

Sabi kalahati nito napupunta sa kawatan,

Bakit may mga gahaman sa pamahalaan?

 

Kayong mga bingi, ako ba’y naririnig?

Kayong mga bulag, ako ba’y nakikita?

Kung oo, sumamo ko…

Pakiusap, palayain ako!

I asked S Voice (Samsung Galaxy SIII rival to iPhone Siri) what is the best smartphone

I got my hands on a leaked apps of the much awaited Samsung Galaxy SIII. I installed the S Voice on my HTC Sensation XE to give it a test run.

image

image

image

And I asked some questions…

What is the best smartphone?

image

Okay, so she does not have an opinion on which smartphone is the best.

I asked another question…

What is the best android phone?

image

image

Hmmmm! I was surprised! LOL!

Posted from WordPress for Android

Eternity

“College is… where you go if you want to continue studying after high school.” (Another non sense from me. LOL!)

College life is the best part of student life. Unlike what I keep on hearing from others, I enjoyed college life more than my high school days. Jumping from three different schools allowed me to meet different people, with different personalities, and from different walks of life. It also exposed me to different ideas.

But I am not writing this to reminisce about the past. Along with the poem “Minsang nilibot ko ang Pilipinas” which I posted on my previous blog with the same title, I also found some other writings. One of them is a poem that I wrote while we were having a retreat somewhere I totally forgot. All I can remember is the ambience, the setting and the environment inspired to write a religious poem.

image

Eternity

With the sun shining brightly,

Its warmth touches me;

I feel that God is hugging me.

With the tall trees growing around me,

Giving me shade and security;

I feel that God is protecting me.

And the goat eating grass beside me,

Pauses and stares at me

As if to tell me that God is watching over me.

And the birds I see,

Soaring from tree to tree;

They sing that God is with me.

And the white butterflies,

Flying beside me;

Reminds me that God is always beside me.

I felt the serenity,

And I remembered…

The sun will stop shining;

The trees will stop growing;

The goat will stop eating;

The birds will stop singing;

The butterflies will stop flying;

But the Lord will never stop loving!

Minsang nilibot ko ang Pilipinas

Ewan ko kung bakit pero bigla ko na lang naisipang buklatin ang aking mga lumang gamit ko noong college pa ako. Natuwa ako ng makita ko ang ilan sa mga sinulat ko noong panahong ako pa ay nag-aaral.

Nakagawian ko noong maglakad mula Intramuros hanggang Luneta tuwing gabi bago ako umuwi pagkatapos ng klase. Isang gabi, naupo ako sa gilid ng “Relief Map of the Philippines” at sumulat ng isa tula tungkol sa mga nakita ko nang gabing iyon. Naririto ang tulang sinulat ko humigit-kumulang apat na taon na ang nakakaraan.

 

 

“Minsang nilibot ko ang buong Pilipinas”

 

Isang gabi ako’y walang magawa,

Waring naiinip sa tadhana,

Paglalakbay ay naisipan;

Libutin malawak na kapuluan

 

Ako ay nagsimula sa Timog Kanluran,

Dalawang babae aking namasdan;

Mga nakaupo sa sementong upuan

Suot nila’y maaiksi

Damit nila’y puro hapit,

Animo’y tela pinagkait

 

Nagpatuloy asko sa Silangan,

Doon isang babae ang namataan;

Siya’y nilapitan ng dalawang kalalakihan,

Agad niyang inakbayan

At siya’y hinawakan sa baywang

 

Lumiko ako pahilaga,

At doon ko napansin,

Isanag lalaking dayuhan;

Nakasandal sa bakod ng kapuluan.

Kausap niya’y dalawang kababaihan,

Sila’y pawang naglalambingan

 

Sa banda roon may nakahigang lalaki,

Sa malamig na semento nahihimbing.

Suot niya’y damit na dungisin,

Buhok magulo, hindi nasusuklay;

Malawak na parke ang kanyang bahay

 

Narating ko ang dulong Hilaga,

Doon may babae’t lalaki nagyayakapan,

Di nila pinapansin;

Maraming matang nakatingin

 

Tinungo ko ang Hilagang-kanluran,

Apat na kabataang wala pa sa gulang,

Masayang nagkukuwentuhan;

Isang yosi pinagpapasapasahan

 

Ako ay tumigil

Tumingin sa kapaligiran

Aking namasdan

Tuyot ang paligid

Ng nababakurang kapuluan

 

Nang ako ay bumalik

Sa dating kinatatayuan,

Naroon pa rin ang dalawang kababaihan

Na una kong namataan,

Nag-aayos ng mukha sa muting salamin

Sa tanglaw ng karampot na liwanag sa dilim

 

Maya-maya pa sila’y tumayo;

Sa nakatigil na kotse sila ay lumapit,

Ilang sandali at sila’y bumalik;

“Bakla pala ang hanap”, aking narinig

 

Isang gabing nilibot ko ang Pilipinas,

Kaydami ng aking nasaksihan,

Samu’t saring tao ang namasdan;

At dito ko napatunayan

Sa panahon ng tagtuyot at kahirapan,

Patalim talagang nahahawakan

Rayter kunwari

Huling beses na sumulat ako ng artikulo ay noong college pa ako tungkol sa isang pick up girl na nakita ko sa Luneta. Tanda ko gumawa ako ng tula noong gabing iyon habang naghihintay ng masasakyang bus papuntang Alabang. Pero walang kinalaman dito ang blog na ito.

Sa halos apat na taon na lumipas ay nalimutan ko nang gumawa ng tula o kwento sa kung anu-anong bagay. Naisipan ko lamang gawin ito bilang pampalipas oras at para may iba akong magawa sa cellphone ko maliban sa paglalaro ng Angry Birds at Temple Run o di kaya pagpost sa Facebook at Instagram.

Tama! Wala ako sa harap ng computer habang ginagawa ang block na ito. Salamat sa teknolohiya, ako ay sumusulat (o nagta-type) sa aking cellphone habang nakahiga sa kama.

Wala talaga akong ideya sa isusulat ko. Bahala na kung ano kalabasan nito pagkatapos kong i-upload mula sa cellphone ko.

Basta ito ang una kong blog… Walang laman. Walang direksyon.

Sa susunod kaya, ano ang magandang isulat?